nasaan na si pagibig? sino si pagibig?ano si pagibig? ilan lamang yan sa mga katanungan sa aking isipan. bilang isang pilipino, meron bang kahalagahan ang pagibig sa iba pang mga bansa sa undong ito? ano naman ang magagawa ng pagibig sa ating mga pinoy? sa patuloy kong paglalakbay isip at pagmumuni na nagsimula sa una kong blog, napagtanto ng aking malalim na kaisipan na ang pagibig ay may ebolusyon din gaya ng teorya ni Charles Darwin sa ebolusyon ng tao. at ang teorya kong ito ay ang (tat taratat tara ta ta ta tat) EBOLUSYON NG PAGIBIG.
ang ebolusyon ng pagibig
ito ay nagsisimula kapag nagka gusto ang isang tao sa kasalungat na kasalungat na kasarian, pwede rin naman sa kaparehong kasarian ngunit di yun ang usapin dito, dahil si pagibig ang aking tatalakayin. sa pagkagusto, nagbibigay kasiyahan sa isang tao ang makita ang kanyang sinisinta. pagtapos ng pagkagusto ay ang pagpapapansin na magbubunga sa panliligaw (ng mga lalaki sa mga babae). sa panliligaw, susuyuin ng lalaki ang mga babae upang makamit nila ang pinaka matamis na OO ng mga babae. lahat ng pa good shot na kelangan nilang gawin sa babae man o sa pamilya nito, gagawin nila. sa panliligaw, may dalawang opsyon ang babae, kung bibiguin nya ang lalake, o kanya itong sasagutin. ang matamis na OO ng babae, dulot nito'y tuwa't sigla sa damdamin ng lalaki. sa pagtagal ng kanilang samahan o relasyon ang kanilang pagiibigan ay maaari na ngayong tumulak o magebolb sa kasalan o buhay may pamilya at yan ay sa pamamagitan ng kasalan. ang buhay may pamilya ay nagsisimula sa kasalan kung san binibigay ito ng simbahang katoliko sa mga nagiibigang parokyano nito. matapos nito ay ang honeymoon. tama! ang HONEYMOON! sino ang may ayaw nito? dito ay nagpaparami ang dalawa, maaari silang maging 3 o 4 o 5 o mas marami pa. sa honeymoon, ang magasawa ay nagtatalik upang magpakarami o magkaroon ng anak. at yan ang ebolusyon ng pagibig.
alam na natin kung anoang sinasabi kong ebolusyon ng pagibig, ngayon, atin naman tunghayan kung ano ang pananaw ko bilang isang pilipino sa mga bagay na ito. sa panahon ngayon na nauso na ang cellphone at text messages, kahit sino ay pwede ng magkagusto sa kahit kanino dahil sa text. kahit di mo kakilala, pwede na magkagusto sayo. madali ka na nyang maakit sa pamamagitan ng kanyang pinaka malupet na pambobola at gagamitin nya ang text upang ika'y mabola (kaya depende sayo yun kung magpapabola ka). ngayon, dumako na tayo sa panliligaw. NOON: nagpupunta ang mga lalaki sa bahay ng kanilang sinisinta upang haranahin, NGAYON: nagpupunta ang lalaki sa bahay ng kanyang nililigawan upang makita ang estado ng pamumuhay ng kanilang sinisinta. NOON: matiyagang nag hihintay ang mga lalaki sa isasagot ng kanilang mga iniirog. NGAYON: ang pinakamahabang pagitan ng paghihintay, o ng ligawan ay dalawang linggo hanggang isang buwan. NOON: may nagaganap pang panliligaw, NGAYON: wala ng nagaganap na panliligaw. sa pag daan ng panahon, unti-unti nang nawawala ang tunay na kahulugan ng "kasal" Madalas nating nababalitaan na may ikinakasal at sa hindi katagalan na panahon ay biglang mag hihiwalay. Madalas ay nagiging "laro" ang sakramentong ito, ginagawang biro, at madalas na isinusumpa. may mga mag asawa rin na hindi na nagpapakaal sa simbahan, kundi sa huwes, pero nakatutuwang isipin na ang mga maliliit na bata ay nadadala ng kilig at dahil sa tinatawag nilang "kilig", nakukuha ng mga paslit na ito na magdula-dulaan ng sakramento ng kasal (baliktad na ang mundo ngayon, ang mga bata nagpapaka matanda, samantalang ang mga nakatatanda ay sya namang nagpapakabata).
dahil sa manilis na pagtakbo ng oras at paglipas ng panahon, unti-unting nagbabago ang pananaw nating mga pilipino sa salitang pagibig. ang dating konserbatibo, nagiging mapangahas. ang mga di mo dapat makita ay malaya mo ng makikita sa tamang halaga, gayon din ang mga bagay na nais mong gawin ay may tamang ring halaga.
3 comments:
dahil sa blog mo, napaisip ako.. totoo.. sobrang nagiba na nga ang panahon. dumating na sa puntong hindi na natin alam ang totoong kahulugan ng pagibig.. at ang sinisisi kolang jan ay ang modern technology. (segue?haha) may napanood ako, sabi nya "the worst thing about modern technology is that it takes away the simplicity of the moment and robs you of the simple pleasures in life." whoo! diba, totoo? siguro isang parte din yan ng ebolusyon sinasabi mo. pft! di na tayo makagawa ng maayos na poem para sa taong iniibig natin kasi pwede namang i-copy paste. so sad.
ha! panliligaw? parang valentines lang yan eh. sabi nga nila, "valentines is a marketing propaganda. all you see are couples and traffic everywhere." haha. bitter? sa panliligaw kasi parang ganon din. binebenta mo lang sarili mo.. no offense ha. haha. sa nakikita ko kasi, sa panliligaw ang pinapakita lang ung mga magagandang traits nung guy. pano na pag sinagot na sya nung girl? mas gusto kong makita ung imperfections at mga kapitikan nung guy kesa bilhan ako ng kung ano ano at dalhin ako kung san san. nang sa ganon, alam ko kung sino talaga ang papakisamahan ko.
pero, ang katotohanan ay hindi naman lahat ng lalaki ay nagsisimula sa panliligaw. kaya may nagkakadevelopan ika nga nila di ba? parang nagsimula kayo bilang magkaibigan at sa araw-araw na ginawa ng diyos na magkasama kayo at halos magkapalit na kayo ng mukha, tsaka nyo sasabihing, naiinlab na kayo sa isa't-isa.
yan namang tinatawag nating pagbabago ay di na maiiwasan, dahil patuloy lang itong magaganap. di man natin ito maiwasan, sanay na rin tayo sa pagbabago.
Post a Comment